2 sugatan matapos sumabog ang isang bomba sa South Cotabato

SUGATAN ang dalawa katao matapos sumabog ang isang bomba sa isang tricycle na nakaparada sa tabi ng St. Anthony Parish Church ng Barangay Zone 3 sa Koronadal City,  ngayong hapon.

Sinabi ni Supt. Aldrin Gonzales, public information officer ng Central Mindanao police, na dinala ang mga biktima na sina Dindo Zamora at Generosa Sumargo sa isang ospital matapos magtamo ng mga sugat.

“We are still investigating what kind of explosives was used. The bomb was placed in a motorcycle with license plate number 7997 parked beside the St. Anthony Parish Church,” sabi ni Gonzales.

Idinagdag ni Gonzales na dalawang testigo na ang lumutang para magbigay ng testimonya kaugnay sa isyu.

Read more...