Pari patay nang pagbabarilin matapos ang misa sa Cagayan

PATAY ang isang pari matapos pagbabarilin matapos magmisa kaninang umaga sa isang barangay sa bayan Gattaran, Cagayan, sabi ng pulisya.

Katatapos lang magmisa ni Fr. Mark Anthony Ventura, ng San Isidro Labrador Mission Station, sa gymnasium ng Barangay Piña Weste ganap na alas-8:15 ng umaga matapos lumabas sa likurang entrance nang barilin ng dalawang beses.

Nakikipagpulong si Ventura sa mga miyembro ng choir bago ang nakatakdang pagbibinyag nang siya ay pagbabarilin.

Sinabi ni Senior Supt. Warren Tolito, Cagayan police director, na dead on the sport si Ventura.

“The (scene of the crime) is a remote village, and it would take about an hour to get to the nearest hospital,” sabi ni Ventura.

Matapos ang pamamaril, agad na sumakay ang suspek na naka-helmet, sa isang motorsiklo na minamaneho ng isa pang kasabwat.

Read more...