Jennylyn sa The Cure: Excited ako sa magiging reaksyon nila!

 

BALITANG  kabado na raw ang kabilang network sa bagong suspense-drama series ng GMA na The Cure na magsisimula na bukas, Abril 30.

Hindi kasi formula series ito na rehash na paulit-ulit na lang ang kuwento ng nawawalang anak, paghihiganti at kung anu-ano pang nakakasawang plot.

Pet project ito ng director na si Mark Reyes tulad ng Encantadia. As we all know, naging phenomenal ang fantaseries na pilit ginagaya pero epic fail naman ang nangyayari.

This time, may halong aksyon ang pagdadrama ng lead actress na si Jennylyn Mercado. Dahil nga sa The Cure, binalikan ni Jen ang kaalaman niya sa martial arts.

“Di ba ‘yung mga tao, gusto nila ‘yung kahit natatakot sila o kahit intense ang pinanonood nila, gusto pa rin nilang subaybayan kaya excited ako sa magiging reaksyon nila,” sey ni Jen. Makakatambal niya rito ang Kapuso hunk na si Tom Rodriguez.

Read more...