Kris na-touch sa life story ni Joshua: Gusto ko siyang ampunin!

NA-TOUCH si Kris Aquino sa kuwento ng buhay ni Joshua Garcia lalo na nang malaman niyang lumaking walang nanay ang binata.

Dahil dito, gusto na raw niyang ampunin si Joshua at iparamdam sa aktor ang pagmamahal ng isang ina.

“I really felt sympathy for him because he grew up w/ no mom… True naman, I told my 2 boys that I do want to ‘adopt’ [Joshua] kasi na-affect talaga ko sa na-share niya about growing up na walang mom… marunong si God, he had a good uncle na priest, a loving lola, and a hardworking dad,” caption ni Kris sa kanyang Instagram photo.

Kasama ni Kris si Joshua at si Julia Barretto sa bagong pelikula niya under Star Cinema, ang “I Love You, Hater”. Nagsimula na silang mag-shooting early this week at puring-puri nga ng Queen of Social Media ang JoshLia dahil sa professionalism ng mga ito.

Ibinalita rin ni Kris sa IG ang request sa kanya ng bunsong anak na si Bimby na regaluhan ang JoshLia bilang pasasalamat sa pag-aalaga sa kanya sa set ng ginagawa nilang movie.

“He asked me this afternoon what he could send #joshlia to say THANK YOU to them for taking care of his mama because he wasn’t around. I said mukhang mahilig yung 2 sa chocolates & parang walang conflict sa endorsements,” ani Tetay.

Read more...