WAGI ang kandidata ng Pilipinas na si Cynthia Thomalla bilang Miss Eco International 2018 sa ginanap na coronation night sa Cairo Opera House sa Egypt.
Inilabas ni Arnold Vegafria, Miss World-PH director, ang winning moments ni Cynthia sa kanyang Instagram account at ang photo ops niya kasama ng Pinoy community sa Cairo, at Philippine ambassador to Egypt na si Leslie Baja.
Isa ang dalaga sa bagong batch ng Regal Millennial Babies na inilunsad nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde last year.
Kasama ni Cynthia sa bagong batch ng Regal Babies si Teresita Ssen na reigning Miss Reina Hispanico Americano. Sumabak na rin si Wyn sa pagiging full-pledged leading lady sa movie ni Vhong Navarro na “#UnliLife.”
q q q
Pahihirapan ni Jazz Ocampo si Julie Anne San Jose sa morning series ng GMA News & Public Affairs na My Guitar Princess.
Hindi na bago sa Kapuso artist ang lumabas na kontrabida pero may bago raw siyang ipakikita.
“Marami na akong ganitong roles na na-portray. Pero ang kaibahan nito ay maldita with a heart. Maldita pero hindi siya kaiinisan eh. For me, mamahalin mo siya,” pahayag ni Jazz sa mediacon ng bagong musical-drama ng GMA.
Eh, kumusta naman ang nabalitang suitor niya na anak ni Congressman Albie Benitez?
“Wala po! Wala po. Saan ninyo nasagap ‘yan!? Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jazz. May tsismis kasing ipinahiram si Jazz ng private plane ng mga Benitez para sa isa niyang appointment out of town.