Solenn kay Nico Bolzico: Inaamin ko, baliw din ang asawa ko!
KASAMA sa Far East Film Festival sa Udine, Italy na nagsimula nitong April 26, ang mga pelikulang “Moral” ni Marilou Diaz Abaya at “Himala” ni Ishmael Bernal na kapwa ni-restore ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) in celebration of “One Hundred Years of Philippine Cinema.”
Bukod dito, nakasama rin ang mga pelikulang “Si Chedeng at Si Apple,” “Smaller And Smaller Circles” at “Ang Larawan” sa Agency’s International Film Festival Assistance Program (IFFAP) sponsored by FDCP.
Bilang bahagi ng selebrasyon ng One Hundred Years of Philippine Cinema, ginanap nitong Huwebes ang “Sandaan: Philippine Cinema Centennial Talks” kung saan naging speaker sina Ed Lajano, Festival Director ng QCinema, Bianca Balbuena, EpicMedia CEO, award-winning actress Elizabeth Oropesa for Filipino Popular Cinema, kasama si Max Tessier bilang moderator.
Pahayag ni Liza Dino, chairperson ng FDCP, “I am pleased to say that The Sandaan: Philippine Centennial Talks is our way of sharing our history and our way of filmmaking to the world as we celebrate this important milestone.
“Through FDCP’s IFFAP, we were able to bridge Filipino filmmakers in International Film Festivals. These are a few of the opportunities that we are proud that we were able to provide to level the playing field when it comes to the Global Arena, because these films can actually deliver and can compete head on given the proper support from the government.”
Ang Far East Film Festival ay nagsimula na noon pang Abril 20, at tatagal hanggang ngayong araw.
q q q
Sa nakaraang mediacon ng “My 2 Mommies” ay natanong sina Solenn Heussaff, Joem Bascon at Paolo Ballesteros kung magiging mahigpit ba silang magulang.
Sabi ni Solenn, “Siguro ako magiging strict kasi lukaret ako, so ayokong maging katulad sa akin, tapos ‘yung asawa ko si Nico (Bolzico) baliw din, so dapat ako yung strict na parent. And depende sa age din, kasi siyempre you have to teach your kids parang paunti-unti, so, dapat hindi bawal lahat sa umpisa let them experience in life, guide them.
“Bawal ang hindi mag-aral nang mabuti, kailangang mag-aral,” say naman ni Paolo na may siyam na taong gulang nang anak. Dagdag pa niya, “Istrikto ako kay Keira kasi feeling ko wala namang ibang magagalit sa anak ko kundi ako, kaysa naman pagalitan ng iba, di ba? Mas may karapatan akong dumisiplina sa kanya kaya ako ganu’n sa kanya.”
Sabi naman ni Joem na wala pang asawa’t anak, “Ako wala akong ipagbabawal, iga-guide ko lang siya.”
Humirit naman si Pao kina Solenn at Joem, “Talaga ha! Ang babait n’yo, ha! Sige, tingnan natin kapag nagkaanak na kayo.”
Naisip namin na baka kaya nasabi ‘yun ni Joem ay dahil ganu’n din siya pinalaki ng magulang lalo na’t inamin niyang mama’s boy siya.
“Ako kasi, Mama’s boy, hindi ko puwedeng ipagpalit ang pag-aalaga at pagpapalaki sa akin ng aking Nanay, kasi siya iyong nag-aruga sa akin at kasama ko most of the time,” say ng aktor.
Hanggang ngayon pa ba ay nakasandal pa rin siya sa nanay niya? “Siyempre, pag nasa edad ka na kailangang maging independent ka na. Nakapagsasarili ka na at nakakapag-decide para sa sarili mo, pero hindi pa rin naman mawawala ang magulang mo na naroon pa rin para mag-guide at magpayo sa iyo,” paliwanag ng aktor.
Pero araw-araw daw binibigyan ni Joem ng bulaklak ang nanay niya dahil ito raw ang nagpapasaya sa kanya.
Samantala, nabago ang buhay ni Joem simula nu’ng nagka-girlfriend na siya at napag-uusapan na rin nila ang kasal dahil hindi na sila bumabata – 31 na si Joem habang 28 naman ang kanyang GF.
At dahil abala rin sa trabaho niya ang girlfriend iyang blogger kaya panay din ang tanggap ng aktor ng project.
“Sinasagad ko lahat ng trabaho. Ganoon pala pag nagkaka-age ka na, nagkakaroon ka pala ng responsibilidad sa sarili mo. Meron ka nang pinag-iipunan. Meron ka nang pinaghahandaan,” pahayag ni Joem.
Anyway, mapapanood na ang “My 2 Mommies” sa Mayo 9 mula sa Regal Films, kasama rin dito ang baguhang child actor na si Marcus Cabais at ang Diamond Star na si Maricel Soriano mula sa direksyon ni Eric Quizon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.