GOOD news para sa mga fans and supporters ni Julie Anne San Jose! Bukod sa pagbabalik ng Asia’s Pop Sweetheart sa akting, may bonus treat pa siya sa Kapuso viewers.
Muling bibida ang Kapuso singer-actress sa bagong daytime series ng GMA, ang musical-romcom na My Guitar Princess. Dalawa ang leading man ni Julie Anne sa seryeng ito, sina Kiko Estrada at Gil Cuerva.
Gagampanan ni Julie ang karakter ni Celina Raymundo, isang 18-anyos na mahilig kumanta at magaling tumugtog ng gitara pero may duda siya sa kanyang talent at walang self-confidence.
Bukod pa rito, mismong ang kanyang inang si Adelle na dating singing icon na gagampanan ni Sheryl Cruz ang pumipigil sa kanyang mga pa-ngarap.
At sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay, dalawang lalaki ang maglalaban para sa kanyang puso – sina Elton Smith (Gil) at Justin Garcia (Kiko). Si Elton ay isa ring singer na nakabase sa abroad at tinaguriang Prince Charming of Pop, habang si Justin naman ay kababata at confidante ni Celina.
“Sa My Guitar Princess, it’s not just about music, it’s also being passionate sa inyong mga ginagawa, sa inyong mga gusto sa buhay, it’s about family,” chika ni Julie Anne sa mediacon ng bagong pang-umagang serye ng GMA.
Dagdag pa niya, “Sobrang nakaka-relate po ako rito sa character kasi ako mismo ‘yung character. Sobrang mapagmahal po niya sa magulang niya.”
Inamin naman ng Kapuso hunk na si Gil na malaking adjustment ang ginawa niya para sa role niya sa serye, “‘Yung singing pa lang I think adjustment na ‘yon para sa akin. I admit it, hindi ko po forte ‘yung music, hindi po ako musically-inclined, pero I’m open to learning, I want to learn, I want to get better. I want to be able to portray the role of Elton really well.”
For his part, super excited din si Kiko dahil matagal na raw niyang gustong makatrabaho si Julie Anne at first time niyang makakasali sa isang musical series, “Happy to work with talented and professional people. We, Julie and Gil are good friends.
“Everyone in the set is good friends, so we try to build camaraderie and real friendship. I’m blessed to be part of the stellar cast,” sabi ni Kiko.
Promise ni Julie, mag-eenjoy sa My Guitar Princess ang lahat ng miyembro ng pamilya, “Siguro, ito po ‘yung masasabi ko na isa sa mga pinaka-favorite ko na roles na nagawa ko. Kasi sa mismong acting, I also get to do what I love which is music and singing and performing. For me, sobrang napakalaking bagay po na nai-incorporate ‘yung music sa story.”
“Tsaka ito po ‘yung side na hindi rin nakikita pa ng ibang tao, ng televiewers kasi usually nabibigyan po ako ng mga roles na pang-drama. Ito po ‘yung pinaka-light,” aniya.
Kumusta namang katrabaho sina Gil at Kiko? “Masaya po, actually wala po akong time na nahirapan akong magtrabaho with them. Si Gil po nakatrabaho ko na po siya sa mga guestings, pero si Kiko po first time kong nakatrabaho. Sobrang light lang po ng set namin, on and off cam, sobrang masaya lang po kami, marami po kaming natututunan sa isa’t isa.”
Makakasama rin sa My Guitar Princess sina Isabelle de Leon, Jazz Ocampo, Marika Sasaki, Marc Abaya, Kier Legaspi, Frank Garcia, Maey Bautista, Rob Sy at Lui Manansala, sa direksyon ni Nick Olanka at mapapanood na simula sa May 7 bago mag-Eat Bulaga.