Para sa may kaarawan ngayon: Tandaang ngayon na magsisimula ang iyong suwerte, mag-ipon ka nang mag-ipon hanggang sa yumaman. Hindi dapat bulagsakin ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, i-enjoy mo lang ang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 13, 19, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Upang mas lalo pang dumami ang oportunidad ng pagkakakitaan, iwasang magalit. Sa pag-ibig, ngayon na ang panahong upang itigil ang immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 9, 28, 31, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Maroon at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Negosyong may kaugnayan sa prutas, tubig at likido ang dapat simulan. Sa nasabing kalakal uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang nais – piliin ang isang Capricorn. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag nang habulin ang napurnadang relasyon, sa buwan ng Mayo may darating na mas masarap at mas maligayang suyuan. Simulan ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa pagkain at may kaugnayan sa
modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jagat-Guro-Deva-Om.” Beige at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Bigyang aksyon ang anomang iniisip, sa ganyang paraan kumikilos ka, hindi ka mapagbibitangang puro pangarap ka lang! Laging maging praktikal
upang mas mabilis na lumigaya at yumaman. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ipagpatuloy ang pakikilahok sa mga gawaing pang-politikal, upang patuloy na makinabang sa aspetong pang-materyal. Sa pag-ibig sa isang political gathering matatagpuan ang true love. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shari-Dosya-Om” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tapusin na agad ang mga bagay na sinimulan. Mas mabilis na yayaman kung hindi na ibibinbin pa ang mga gawain. Sa pag-ibig, tapusin na rin ang pakikipagrelasyon sa isang taong walang kuwenta, humanap ng isang Libra. Mapalad ang 5, 8, 17, 23, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Toshasi-Om.” Gray at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pinansyal, hindi mo ba nahahalata, sinasamantala nila ang iyong kabaitan? Wag magtiwala kung kani-kanino. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat na pagkatiwalaan – ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 7, 16, 22, 25, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manno-Vanaspatir-Om.” Black at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi dapat mang-api ng kapwa, habang nagkakapera, mas lalo kang dapat na magpakabait at magpakumbaba. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ng tadhana. Sa pag-ibig, alagaan ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yena-Devasya-Om.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa bawat pagsubok ng buhay, nagkukubli ang malaking tagumpay. Huwag susuko, walang dapat gawin kundi ang magpatuloy nang magpatuloy hanggang sa umunlad at lumigaya. Mapalad ang 1, 4, 13, 28, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aim-Avira-Virma-Om.” Pink at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy mo lang ang ginagawang mga pagsisikap malapit na malapit ka nang umunlad. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasu-yong Taurus. Mapalad ang 4, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naiva-Me.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Ipakitang iba ka sa lahat! Kakaibang produktong na wala pang nakakaisip ang dapat simulan. Sa unique na negosyo ka yayaman. Sa pag-ibig, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang mawili siya sa iyong makipagniig. Mapalad ang 3, 17, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Lilac at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Magdikit sa dingding ng ganito: “Umuunlad at lalo pa akong yumayaman!” Tatlong beses na basahin, araw-araw ang nasabing kataga at makikita mo paglipas ng 5 taon mayamang-mayaman at maunlad na maunlad ka na. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Every day, in every way, I’m getting richer and richer!” Red at green ang buenas.
Horoscope, April 28, 2018
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...