Boylet na bagets tinarakan ng lola

SUGATAN ang 24-anyos na lalaki na sinaksak nang kanyang live-in partner, isang 65-anyos na lola, kahapon sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa pulisya, nadilim ang paningin ng suspek nang makitang may kasamang ibang babae ang kanyang boyfriend sa loob ng kanilang silid sa Brgy. Sta. Monica.

Ayon sa matanda, harap-harapan siyang binastos ng kanyang boyfriend na sa mismong bahay pa nila gumawa ng milagro.

Ayon sa ulat, nagulat ang matanda nang makita ng nagtatalik ang boyfriend niya at kapitbahay na babae.
Kumuha umano siya ng screwdriver at dinaluhong ang dalawa bago sinaksak ang lalaki.

Napag-alaman na tinangka pang pag-ayusin sa barangay ang dalawa pero nagpasya ang mga ito na maghiwalay na lang.

Read more...