2 umanong miyembro ng IS naaresto ng PNP sa Laguna

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar  Albayalde ang pagkakahuli sa dalawa umanong pinaghihinalaang miyembro ng  extremist group na  Islamic State (IS) sa Laguna.
Kinilala ni  Albayalde ang mga suspek na sina  Jimuel Velasco Dizon alyas Amir, at Eddie Boy Alejo Bermejo alyas Abdullah, na naaresto sa magkahiwalay na operation sa lungsod ng  Cabuyao at Sta. Rosa kamakalawa ng umaga.
Sinabi pa ni Albayalde  na nagpalit ng rehiyon ang mga suspek para maging  Muslim at pinaghihinalaang konektado sa Rajah Sulayman Movement (RSM), na naunang nanumpa ng katapatan sa  Isis.
Ani Albayalde, inaalam pa kung plano ng dalawa na magsagawa ng terorismo.

Read more...