‘Wag sanang madamay ang JoshLia sa pangnenega ni Kris!’

KRIS AQUINO, JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

KUNG hindi magbabago ang pagiging war freak ni Kris Aquino hanggang sa malapit nang ipalabas ang pelikulang pinagsasamahan nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto ay totoo ang obserbasyon ng mas nakararami na sesemplang ‘yun sa takilya.

Natural lang na hindi gugustuhing panoorin ng ating mga kababayan ang negang artista. Katatamarang panoorin ng mga Pinoy ang isang pelikula kung saan kasama ang kinaiinisan nilang artista.

Payo ng marami kay Kris ay tantanan na ang pang-aaway sa mga taong hindi naman siya pinapatulan, panay-panay ang mga patutsada niya, pero ang mga tinutumbok niya namang tao ay nananahimik at parang talbos lang ng kamote ang turing sa mga pinaggagagawa niya.

Sabi ni prop, “Huwag naman sanang madamay ang JoshLia sa kanegahan ni Kris. Remember, bago siya nawala sa limelight, e, dalawang movies niya ang nag-flop sa takilya!

“Nakakaawa naman ang loveteam kung pati sila, e, madadamay sa inis ng movie going public kay Kris.

Wala naman silang kasalanan kundi ang tanggapin ang project with Kris. Tantanan na kasi ang pagiging nega para maging positive ang pagbabalik niya!” madiing pahayag ng kaibigan naming propesor.

Read more...