Female celeb umurong ang buntot nang talakan ng matapang na TV personality

DATI nang mainit ang dugo ng isang pamosong female personality sa isang matapang na personalidad ng telebisyon. Duda ng mga nakakahalata ay matindi ang kanyang inggit sa may paninindigang babaeng personalidad.

Magkasama sila sa isang bubong, magkaiba nga lang ang kanilang linya, pero kalat na kalat sa network ang mga salitang ibinabato ng pamosong female personality laban sa kanyang kaistasyon.

Kuwento ng isang source, “Kahit nu’n pa, halatadong kontra na siya kay ____ (pangalan ng may paninindigang female personality). Ewan kung bakit, pero sa mga kuwentuhan, e, panay-panay ang pamimintas niya du’n sa female personality!

“Hinahanapan pa nga niya ng butas ang girl, pinanonood niya ang show ng female personality, pero para lang mapintasan niya. Kapag hindi siya nagagandahan sa suot na damit nu’ng pinanonood niya, sasabihin niya agad, ‘It doesn’t fit her. She’s not young anymore.’

“Mga ganu’ng comment, kung anu-ano ang hinahanap niyang kapintasan ng girl na kinaiinggitan niya ang paninindigan,” simulang kuwento ng aming impormante.

Nagkaroon din ng pagkakataon na pinagsama sila sa isang programa. Mas lumutang ang inggit ng female personality sa kasama niya, binabara-bara niya ito sa ere, na nu’ng una ay pinalalampas lang naman ng kanyang partner.

Balik-chika ng aming source, “Pero saan ka, nu’ng minsang mapuno na sa kanya ‘yung pinipintasan niyang female personality, e, kinompronta siya! Yes, hinarap siya!

“Very prim and proper pa rin ang female personality, pero nangangagat ang mga salita niya sa girl,

‘Huwag mo akong pinakikialaman, puwede? Kung ano ang gusto kong isuot, kung saan ako kumportable, huwag mo akong pinakikialaman, okey?’

“May nagawa ba siya? Nganga siya nu’ng umariba na ang pinipintasan niyang female personality! Wala siyang nasabi, bow lang siya!” nakairap na komento ng aming source.

Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, kaya Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, game na!

Read more...