NA-BAD trip ang young actor na si Paul Salas sa isang reporter nang tanungin nito ang kanyang girfriend na si Barbie Imperial sa nakaraang presscon ng Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.
Nag-tweet si Paul para ipaalam sa nasabing reporter na hindi niya nagustuhan ang tanong kung totoong hindi raw boto kay Barbie ang magulang niya.
“Sinong reporter nag tatanong kay Barbie ng ganito? Sa totoo lang kung sino ka man panira ka.
“Okay na okay ang parents ko kay Barbie so kung sino man mga nag tatanong ng mga questions na ganyan please shut the f*ck up good night,” ang tweet ni Paul.
READ NEXT
Sunshine sa pakikipagbalikan kay Timothy: He is love of my life, ako pa rin ang asawa niya!
MOST READ
LATEST STORIES