MARUNONG magpahalaga sa crew ng Sana Dalawa Ang Puso si Robin Padilla.
In his latest post on his Instagram account ay picture ng crew na nagpu-put up ng tent ang kanyang binigyan ng halaga.
“Tent Boys first to arrive last to leave! Maraming salamat mga tol sa malamig at maliwanag na Standby Area at Portalet. Tunay na walang ginhawa kapag wala kayo,” caption ni Robin sa kanyang IG post.
Sobrang na-touch ang IG followers ni Robin sa gesture na ‘yon.
“Thank you @robinhoodpadilla for being so humble and for appreciating their hard work. Kaya po maraming nagmamahal sa inyo.
“The only show i watched on TFC is Sana Dalawa ang Puso and i seriously doesnt mind the bayad for subscription para lang mapanood ko kayo dito sa States. May you continue what you do best… God Bless.”
“Salamat lodi @robinhoodpadilla sa pag mention sa kanila I know trabaho nila yan pero iba ung dedication nila sa trabaho dba.”
“Thank u for appreciating their hardwork sir..salute!”
Anyway, sa Sana Dalawa Ang Puso ay nasa kamay ni Leo Tabayoyong (Robin) ang kaligtasan ni Lisa (Jodi Sta. Maria) matapos na mabuking ang kanyang undercover activity.
Kasama niya si Lisa na nagtatago mula sa mga miyembro ng sindikato. Tinawagan niya ang kanyang pamilya para kumustahin at sabihing medyo matatagalan pa siya sa kanyang trabaho.
q q q
May friendship nang nabuo sa cast ng “Squad Goals” na kinabibilangan nina Julian Trono, Andrew Muhlach, Jack Reid, Vitto Marquez at Dan Hushcka.
“Ang masasabi ko po talaga ay meron na talaga kaming friendship. Noong nagwo-workshop kami ay parang hindi pa kami ganoon ka-close.
“Pero noong natapos ang movie, tapos nagpo-promo na kami, makikita mo po sa amin na close na kami. Lumalabas na po kami kahit hindi work-related,” say ni Andrew who plays Nathaniel Dimatulac in the movie.
“Sa totoong buhay po talaga parang medyo komedyante po ako, masayahin. Ang ginagawa ko po talaga, nag-stage play po ako. When it comes to sports, I like baskeball, swimming, boxing and going to the gym,” Andrew shared about his personal life.
Kapatid ni Aga Muhlach si Andrew sa totoong buhay. He has appeared in some movies before.
“Squad Goals” is a story of five boys who experienced a series of mishaps that could expel them from school.
The crew of Benj (Julian), Tom (Vitto), Nat (Andrew), Pads (Jack) and Hans (Dan) find kinship with each other while dealing with school, love and family problems. It is directed by Mark Meily and produced by VIVA Films.