Teleserye nina Julie Anne at Barbie nilalagyan ng malisya


ISASALANG na ng GMA Network ang bagong TV series na My Guitar Princess ni Julie Ann San Jose.

Nagtatanong tuloy ang fans ni Barbie Forteza kung ano na ang telecast date ng series niyang Inday Will Always Love You na todo-promo na nitong mga nakaraang linggo. May mga nang-iintriga tuloy ngayon kina Barbie at Julie Anne. But I believe na hindi magpapaapekto ang dalawang Kapuso stars sa mga tsismis dahil friends din naman sila in real life.

Haharap na ngayong linggo ang cast ng MGP na sina Julie Anne, Gil Cuerva at Kiko Estrada sa media para sa presscon ng kanilang bagong serye.

Eh, sa primetime programming ngayon ng GMA, after ng pagtatapos ng Sherlock Jr., this week, ang kasunod namang mawawala sa ere ay ang The One That Got Away nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins.

Ang pinakamatibay na series sa GMA primetime ngayon ay ang Kambal, Karibal. Inilalampaso talaga nito sa ratings ang katapat na programa sa kabilang network, huh!

Kaya nga sa social media, may ilang netizens na umaaray dahil kapag matitindi ang eksena sa KK, nagkakaroon ng either power interruption o cable disruption, huh! What else is new? Ha! Ha! Ha!

q q q

Nakakabilib ang tapang ni Yasmien Kurdi. Aba buwis buhay ang kinunang eksenang ipinalabas kahapon sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka nang tumalon siya mula sa ibabaw ng Jones Bridge sa Manila, huh!

Sa isang video na ipinost ni Yasmien sa kanyang Instagram nandoon talaga siya sa gilid ng Jones Bridge at akmang tatalon na!

Sa interview nga sa kanya ni Lhar Santiago, ibinahagi ni Yasmien na wala raw siyang fear of heights kaya walang naging problema ang production nang isinagawa ang delikadong eksenang ‘yon sa nasabing GMA afternoon series.

Read more...