Lalaki, anak, kinatay, sinunog | Bandera

Lalaki, anak, kinatay, sinunog

John Roson - April 25, 2018 - 06:38 PM
NATAGPUANG patay ang 63-anyos na lalaki at 8-anyos niyang anak matapos pagtatagain at silaban ng mga di pa kilalang salarin, sa loob ng kanilang bahay sa Silay City, Negros Occidental. Nadiskubre ng isang kapitbahay ang mga labi ni Antonio Padua at anak niyang babae dakong alas-5 ng umaga Martes, sa loob ng kanilang bahay sa  Hacienda Pula, Brgy. Kapitan Ramon, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Kinakitaan ang mga bangkay ng taga at paso sa iba-ibang bahagi. Lumalabas na matapos pagtatagain ay sinilaban ang mag-ama sa pamamagitan ng damit na nakitang sunog din sa kanilang tabi, ayon sa ulat. Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending