Barangay execs na nasa drug list ni Du30 ilalabas sa loob ng 1 linggo-PDEA | Bandera

Barangay execs na nasa drug list ni Du30 ilalabas sa loob ng 1 linggo-PDEA

- April 25, 2018 - 04:50 PM

SINABI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakatakda nitong ilabas sa loob ng isang linggo ang listahan ng 216 opisyal ng barangay na kabilang sa drug list ni Pangulong Duterte.

Sa isang briefing, idinagdag ni PDEA Director Aaron Aquino na kasama sa listahan ang mga kapitan at kagawad ng barangay.

“I am now finalizing the list and within the week I will call for another press conference, and I will publish finally these 216 barangay kagawads and barangay chairmen who are involved in drugs,” sabi ni Aquino.

Idinagdag ni Aquino na binigyan na siya ng basbas ng Palasyo para isapubliko ang pangalan ng mga opisyal ng barangay.

Noong Martes, hiniling ni Iligan City Rep. Frederick Siao sa PDEA na ilabas ang pangalan ng mga opisyal ng barangay na umano’y sangkot sa droga sa harap naman ng paparating na eleksiyon ng barangay at Sangguniang Barangay sa Mayo 14.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending