Bago magsara bukas, Regine, Ogie humirit pa ng honeymoon sa Bora

HUMABOL ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa pagnamnam ng ganda ng Boracay bago isara ang ilang bahagi ng isla sa publiko simula bukas, April 26.

Sa five-star hotel sa Boracay nag-celebrate ng kanyang birthday si Songbird. Eh sa isang IG post ni Ogie, isinabay na rin nila ito sa kanilang much-delayed honeymoon. After ng kasal nila kasi, agad nabuntis si Regs kaya hindi sila nagkarooon ng chance makapag-honeymoon.

Inilabas ng mag-asawa sa kani-kanilang IG ang cheesy moments nila sa Boracay. May dinner by the beach at may pa-birthday cake pa habang nasa Jacuzzi si Songbird, huh!

Read more...