Miguel may gustong ‘palakihin’ kaya laging nasa gym

BIANCA UMALI AT MIGUEL TAN FELIX

MATAPOS makita ang transformation ng kanyang ka-loveteam na si Bianca Umali after ng ilang buwang pagpunta sa gym, ang inaabangan naman ngayon ng BiGuel fans ay ang big reveal ng pagpapaganda jg katawan ni Miguel Tanfelix.

Panay kasi ang post ng bagets ng teaser tungkol sa mga activities na ginagawa niya sa loob ng gym. Na-excite ang fans sa nasabing fitness journey ng Kapuso leading man dahil for sure, mas kakikiligan sila ni Bianca.

Marami nga ang nagsa-suggest na baka puwede raw mag-post ng video ang magka-loveteam habang sabay nasa gym at gumawa ng kanilang fitness routines. For sure, hindi lang sa Kambal, Karibal sila magte-trending gabi-gabi kundi pati na sa kanilang hashtag #couplefitnessgoals.

Samantala, patuloy na tutukan ang mas nakakaloka at mas nakaka-shock na mga eksena sa trending at laging pinag-uusapang primetime serye na Kambal, Karibal sa GMA Telebabad after Sherlock Jr..

Read more...