Kris matindi ang hugot, wala nang paki kung sino ang masagasaan

 

ANO kaya ang nakain ni Kris Aquino nitong mga huling araw kaya sobrang galit na galit siya at parang wala siyang pakialam kung sinuman ang kanyang mga nasasagasaan?

Nasira ba ang kanyang tiyan? Nakakain ba siya ng ayaw ng kanyang sikmura kaya siya nagkakaganyan? Nasaan na ang kanyang mga kapatid sa pagkakataong ito?

Tutal naman ay sinasabi ni Kris na nakikinig siya sa payo ng mga nakatatanda niyang kapatid, nasaan na ang mga ito ngayon, bakit nila pinababayaan si Kris na maghanap at mag-ipon ng kanyang mga kaaway?

Pagkatapos ni James Yap ay ang magaling na news anchor naman na si Korina Sanchez ang kanyang inupakan? Tinawag niyang “misis ni Mar Roxas” si Ate Koring, hindi niya nagustuhan ang lumabas na feature ng Rated K tungkol kay James at sa mag-ina nito, kaya siya nagwarla.

Hala! Napakalayo na ng inabot ng kanyang galit sa misis ni Mar Roxas, inungkat pa niya pati ang ginawa niyang pag-eendorso sa asawa ni Korina sa pakiusap lang daw ng kanyang kuyang pangulo, nagbilang na nang walang patumangga si Kris sa mga nagawa niya para sa kandidatura ng mister ni Korina.

Naku, tantanan na sana ni Kris ang pagpapairal ng galit sa mga taong nakasama rin naman niya nang matagal na panahon, huwag siyang nagsusunog ng tulay dahil baka isang araw ay du’n din siya
tumawid.

Read more...