Alden todo-effort para mapaligaya ang 60 loyal fans; ayaw lokohin ang publiko

SULIT na sulit ang pagsugod ng mga fans ni Alden Richards sa Megamall last Sunday. Muli nilang nakita at nakasama up close and personal ang Pambansang Bae kaya naman talagang maligayang-maligaya ang mga Aldenatics at iba pang miyembro ng kanyang fan clubs.

At siyempre, tuwang-tuwa rin ang mga may-ari ng Cookie’s Peanut Butter na siyang nag-organize ng “A Day With The Bae” na ginanap sa SM Megamall Event Center. Sa Instagram account ng CPB, nagpasalamat ang mag-asawang Cookie at Joy Abalos-Yatco sa lahat ng sumuporta sa event ni Alden.

“Thank you so much for the support. nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap nyo sa #CookiesPeanutButterdahil kay Alden Richards.

“This is just the first of the many mall tours that we are going to do. We hope you had fun and enjoyed yesterday’s event,” ang nakalagay na caption sa litrato ni Alden habang nagpe-perform on stage.

Sa mga nabasa naming comments sa IG, marami ang nagtatanong kung kailan naman daw dadalaw si Alden sa iba pang bahagi ng Pilipinas para naman makasama rin nila si Alden. Kaya naman ang promise ng mag-asawang Cookie at Joy, gagawin nila ang lahat para madala ang “A Day With The Bae” in other parts of the country.

Ayon kay Alden, this is just one way of giving back para sa lahat ng blessings na natatanggap niya lalo na sa patuloy na pag-ariba ng kanyang career. Sa mga ganitong events lang daw niya talaga napapasalamatan nang bonggang-bongga ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.

Siyempre, nagpasalamat din si Alden sa Cookie’s Peanut Butter dahil nabigyan siya ng chance para paligayahin ang loyal AlDub fans.

Sey nga ng binata, nakakatuwang malaman na napakaganda ng naging resulta ng pagiging endorser niya ng nasabing brand, ibig sabihin daw kasi nito marami pa rin ang nagtitiwala at naniniwala sa kanya.

“Very particular po kasi ako sa endorsement. Ayokong manloko ng tao, kapag effective, I really say it’s effective. At kapag masarap, sasabihin ko po talagang masarap. And so far, sa lahat po ng ine-endorse ko, hindi naman po ako napahiya,” aniya pa.

Nagsilbing host naman ng event ang aktres na si Dianne Medina.

Kamakailan, 60 loyal at die hard fans naman ni Alden ang napili para sa “Meet & Dine” ng Cookie’s. Nu’ng unang ilunsad ang nasabing promo ay isa lang ang dapat na mananalo ngunit dahil sa dami ng nag-join, nag-decide ang organizers na gawing 60 na ang winners para mas maraming mapasaya ang Kapuso Prince.

In fairness, saksi kami kung paano nag-effort si Alden para mabigyan ng unforgettable bonding moments ang lucky 60 Alden supporters na nakasama sa kanilang pa-“Meet & Dine”.

Sabi nga ng isang fan na nakachika namin, dream come true para sa kanila ang makasama sa isang intimate gathering ang kanilang idolo.

“Iba kasi talaga ang feeling na kaharap at kausap mo yung taong pinagkukunan mo ng inspirasyon, yung taong nagpapasaya sa yo. Kaya ite-treasure ko ang moment na ito hanggang sa tumanda ako,” sabi ng nakakuwentuhan naming fan Alden.

Para sa iba pang exciting news and updates sa Cookie’s Peanut Butter at pati na rin kay Alden, follow @cookies_PB sa Twitter, @Cookies_ph sa Instagram at @CookiesPeanutButter sa Facebook.

Read more...