Albayalde nagbanta na kakasuhan ang mga pulis na naninira sa kanya

NAGBANTA si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na kakasuhan ng insubordination ang mga pulis na nasa likod ng isang online post na kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan na pangunahan ang 190,000 kabuuang pulis sa bansa.

Idinagdag ni Albayalde na inatasan na niya ang Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM) na alamin ang mga pulis na nasa likod ng Facebook page na Buhay Lespu.

“So makita mo ang attitude ng pulis natin, ‘yun ang mga pasaway. Kaya sabi ko sa DICTM I want them to be identified and make them report in my office personally,” sabi ni Albayalde.

“How can they say that to a senior officer at that? See the attitude of our policemen, makakapagsabi ka ng ganyan sa isang commander mo, sa isang senior officer? What kind of attitude do you have kung ganon?” ayon pa kay Albayalde.

Idinagdag ni Albayalde na maaari siyang ireklamo sa grievance committee kung may problema laban sa kanya.

“That (badmouthing) is tantamount to insubordination. And I’m not taking it against them, sabi ko nga wala akong problema kung may galit sa akin,” sabi ni Albayalde.

“Not ‘yung patago, not ‘yung paganon na ginaganon mo yung mga officers mo,” giit ni Albayalde.

Read more...