“Welcome on board Kris Aquino,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing bilang tugon sa naging pahayag ni Kris.
Pumutok ang alitan sa pagitan ni Kris at ng misis ni Roxas matapos namang kapanayamin ni Korina sa kanyang programang Rated K ang dating mister na si James Yap at bagong kinakasama kaugnay naman ng kanilang pagkakaroon ng anak.
Sa kanyang post sa social media, binatikos ni Kris ang ginawang panayam ni Korina sa kanyang dating mister.
“Well, ang nabasa ko sa statement niya, ngayon lang, a few minutes… was, walang masamang pinakita si Presidente Duterte sa kanya at sa kanyang pamilya ano, noong nangangampanya siya para sa kanyang kapatid sa Davao,” dagdag ni Roque.
Matatandaang si Roxas ang inendorso ni Aquino bilang kandidato sa pagkapangulo noong 2016.
“At alam mo, iyon din ang sinabi sa akin ni Presidente ha. Kasi si Presidente noong ’86 revolution, nag-suporta kay Cory. At lahat ng kampanya ng pamilyang Aquino suportado ni Presidente Duterte sa Davao… and the mother of course ‘no of the President,” ayon pa kay Duterte.