Kilalang male celeb parang ibon na nakawala sa hawla nang hiwalayan ng dyowang female star


HINDI lang showbiz ang balon ng tsismis, kahit sa iba-ibang larangan ay paboritong paksa rin ang buhay ng mga artista, sa totoo lang.

Isang maingay at mausok na lugar na palaging pinupuntahan ng mga taong gustong maka-jackpot ng kayamanan ay pinagpistahan ang buhay ng isang male celebrity na dating karelasyon ng isang sikat na female personality.

May isang high roller kasing kamag-anak du’n ang male celebrity, alam na alam nito ang mga kuwento kung bakit nagkahiwalay ang kanyang kamag-anak at ang sikat na babaeng personalidad.

Kuwento ng aming source, “Walang maitatago sa taong ‘yun dahil palagi siyang pinagsusumbungan ng pamilya nu’ng male celebrity. Mga unang months pa lang pala ang pagsasama nu’ng dalawa, e, gusto nang kumawala ng lalaki sa girl!

“Palagi raw kasi siyang ipinahihiya sa harap ng maraming tao, mas marami silang kaharap, mas gustong ipinapahiya ng girl ang karelasyon niya.

“Sobrang possessive pa raw. Kapag may nang-iimbita sa guy para magpunta sa isang lugar, ayaw siyang payagan ng girl, baka raw kasi puro babae lang ang atupagin nila!

“So, ang lalaki, e, kinakatinyawang under de saya ng mga katropa niya. Bantay-sarado kasi siya ng girl, ayaw siyang payagang umalis nang siya lang!

“So, parang sakal na sakal na si lalaki, hindi siya malaya, nakakulong siya nang walang rehas!” natatawang kuwento ng aming impormante.

Heto pa. Habang kasama raw ng male celebrity ang kanyang mga kaibigan ay tawag nang tawag ang female personality. Check nang check kung nasaan na siya at kung ano ang ginagawa niya.

Patuloy ng aming source, “Hanggang sa labas, para pa ring nakakadena ang guy, wala siyang freedom. E, ano ba naman ang ruta ng araw-araw na buhay ng lalaking ‘yun?

“Kung hindi siya nagpa-practice, e, nasa main event na siya, nakikipagpukpukan na physically dahil ‘yun naman ang trabaho niya. Kaya nu’ng magkahiwalay na sila, e, nakahinga nang maluwag ang mga kamag-anak ng male celebrity, sa totoo lang!

“Aysus naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa bang pag-isipan kung sinu-sino ang mga bumibida sa ating kuwento?” pagtatapos ng aming source.

Read more...