Juday, Ryan ipinagluto ang mga madre sa Vatican


NATUPAD ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos nitong Sabado ang isa sa kanyang mga gustong gawin sa Italy.

Nasa Rome ngayon si Juday at asawang si Ryan A-goncillo para sa selebrasyon ng kanilang 9th wedding anniversary.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Juday ng mga litrato kung saan makikitang magkatulong silang nagluluto ni Ryan. Ang mga pagkaing pine-prepare nila ay para sa mga madre sa headquarters ng Catholic Church sa Vatican City.

“Napakasaya ng puso ko, ang sarap pakinggan nila sister matuwa at masiyahan sa niluto naming dinner para sa kanila,” aniya sa caption. “Hindi to pwedeng matapatan ng kahit anong outlet shops!” dagdag pa ni aktres.

Ilan sa mga niluto nila ay soup, pasta at leche flan. Noong nakaraang taon, sa Italy din nag-celebrate ng kanilang 8th wedding anniversary ang mag-asawa.

Read more...