Parents bilang qualified dependent | Bandera

Parents bilang qualified dependent

Liza Soriano - April 21, 2018 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line at sa mga bumubuo ng inyong pahayagan. Gusto ko rin po na batiin ang PhilHealth sa maagap nilang pagtugon sa mga katanungan ng inyong letter sender na lagi ko pong nababasa. Ako po ay nakatira lamang malapit sa Vito Cruz, Malate. Nagtatrabaho bilang call center agent sa Makati. Tatlo kaming magkakapatid pero pawang may asawa na ang dalawa. Simula po nang ako ay magtrabaho ay under na ng PhilHealth ko ang aking mother.

Malapit na po akong ikasal at hindi kalaunan ay magkakaroon din ng mga anak na i-under ko rin sa aking PhilHealth. Kaya gusto ko pong itanong sa Philhealth kung okay lang ba na under pa rin ng PhilHealth ko ang mother ko kahit may pamilya na ako? O otomatikong magiging member ng PhilHealth ang mother ko kasi senior citizen na siya?

Mag-62 years old na po ang mother ko next month.

Ano po ang dapat kong gawin? Sana ay agad akong mabigyan ng kasagutan ng PhilHealth. Gusto ko rin po na malaman kung anong dapat kong gawin kung ipapasok ko na bilang automatic member ng PhilHealth ang mother ko. Salamat po.

Elvira Jose
Pablo Ocampo Sr formerly Vito Cruz

REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Amin pong ipinababatid na maaari lamang po ninyong maideklara ang inyong magulang bilang inyong qualified dependent kung sila po ay:

Mga magulang na hindi miyembro ng PhilHealth o ang membership ay hindi na active, 60 taong gulang pababa, at may permanent disability na nangangailangan ng suporta at lubos na naka-depende sa miyembro.

Samantala, kung ang nanay po ninyo ay 60 taong gulang na pataas, maaari po siyang maging isang PhilHealth Senior Citizen member kung saan siya po ay wala nang huhulugang kontribusyon kung siya po ay:

Filipino citizen na naninirahan sa Pilipinas, edad 60 years old and above, walang anumang active PhilHealth membership, at walang pinagkakakitaan o income.

Kung siya po ay qualifed base sa nabanggit na qualifications, kung wala pa siyang PhilHealth membership registration, maaari po niyang gawin ang mga sumusunod na hakbang sa kung saan siya akma:

1. Sa pamamagitan ng Office for the Senior Citizens Affairs (OSCA)

Magpasa ng dalawang (2) kopya ng napunan at pirmadong PhilHealth Member Registration Form (PMRF) sa tanggapan ng OSCA

a. Maaaring i-download ang PMRF sa aming website www.philhealth.gov.ph. Maaari din namang mag-request ng direkta mula sa aming PhilHealth offices / outlets.

b. I-tick ang FOR ENROLLMENT na nasa upper right-hand corner ng PMRF.

c. Paki-fill out ang PMRF accordingly.

Hintayin ang ibibigay na PhilHealth card at updated Member Data Record (MDR) at kanyang PhilHealth card

2. Bumisita sa aming tanggapan

a. Sa pamamagitan ng miyembro

b. Sa pamamagitan ng kanilang kinatawan

Magpasa ng dalawang (2) kopya ng napunan PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at kopya ng kanilang Senior Citizen ID na na-issued ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) o ng kanilang birth certificate na may registry number

Maglakip ng 1 x 1 photo na kuha sa loob ng anim na buwan

Kung sa pamamagitan ng representative, magpasa ng pirmadong authorization letter ng miyembro na nakasaad / nagpapahintulot na siya ang makipag-transasyon sa amin

Dawalang (2) valid ID ng member at ng kanyang kinatawan ay kailangan

Hintayin ang ibibigay na updated Member Data Record (MDR) at kanyang PhilHealth card

Huwag po kayong mag-atubiling mag-email muli sa amin kung kailangan pa ninyo ng karagdagang tulong.
Gumagalang,

CORPORATE ACTION CENTER 24-Hour
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending