Megan Young wagi sa 2018 Platinum Stallion Media Awards


PATULOY na nagsisilbing inspirasyon ng mga kabataan si Megan Young. Kamakailan, pinarangalan siya bilang Media Practitioner for Television sa katatapos na Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia.

Maging sa ginagawang series na The Stepdaughters, lumalabas din ang pagiging fighter niya sa buhay.

Handa na siyang ipaglaban ang mga nawala sa kanya at handa na rin siyang lamunin nang buhay ang kalaban niya sa series na si Katrina Halili!

Sa ngayon, bumiyahe muna sa Las Vegas si Megan. Pumasyal din siya sa Vietnam kung saan nagkaroon sila ng bonding ni Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach.

May kanya-kanya mang mundo, ang ending ay silang dalawa pa rin ng kanyang boyfriend na si Mikael Daez ang magkasama.

Read more...