Pa-pwet ni JM sa bagong serye ng ABS ‘fake’


PRE-EMPTED ang pasiklab na butt scene ni JM de Guzman sa kanyang comeback series. Ang masaklap, nabuking na katawan at puwet ng body double ni JM ang gumawa ng eksenang ‘yon sa beach, huh!

Nagkalat sa social media ang shots ng body double ni JM, ang bikini model na si Jasper Mendoza. Sa isang interview, umamin siya sa butt exposure sa series na kunwari ay wetpaks ni JM.

Sa Facebook photos ni Jasper, may casual photos pa sila ng leading lady na si Barbie Imperial. Wala sa nasabing litrato si JM.

Windang siyempre ang fans ni JM na waiting sa pagbabalik niya sa pag-arte. Kilalang mahusay na aktor ang kanilang idolo kaya bakit daw kailangan pa ng gimik ng naglabas siya ng puwet sa comeback series.

Teka, maipalalabas naman kaya ang eksenang ito sa free TV? Naku, ayaw ng MTRCB ng ganyan!

Read more...