Jennylyn: Wala pa akong engagement ring!


WALA pa talaga sa plano ni Jennylyn Mercado ang magpakasal kay Dennis Trillo. Dinenay din niya na engaged na sila ng Kapuso Drama King.

Sa isang Instagram photo kasi ng GMA Ultimate Star ay makikita ang suot niyang singsing, kaya ang tanong ng kanyang fans, nag-propose na nga ba si Dennis?

Sa presscon ng bago niyang serye sa GMA, ang The Cure opposite Tom Rodriguez, mariin niyang itinanggi na engaged na sila ni Dennis, “Ano bang ibig sabihin kapag may singsing? Di ba, pag engagement ring, bato? Isang bilog na bato. Wala, e, wala pa.”

“Nakita n’yo naman yung picture, wala naman. Wala pa sa ano ko ‘yan, wala pa sa plano,” chika pa ni Jen.

Read more...