Glaiza agaw-eksena sa bagong awra para sa Contessa


AGAW-EKSENA ang bagong look at hair style ni Glaiza de Castro sa Afternoom Prime series ng GMA na Contessa.

Kailangan kasing magpa-make over ang Kapuso actress para sa bagong yugto ng Contessa kung saan magsisimula nang maghiganti ang kanyang karakter matapos makulong at maranasan ang matinding paghihirap sa loob ng kulungan, sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Glaiza ng kanyang litrato bilang si Contessa. Bukod sa kanyang fierce at palabang look, nagustuhan din ng kanyang IG followers ang bago niyang hair color. Gandang-ganda rin sa kanya ang mga kapwa-Kapuso celebrities.

Narito ang ilang komento ng mga followers ni Glaiza sa kanyang bagong look.

“Grabe sobrang ganda ng Contessa, nawala man yung Ika 6 na Utos may bago na ako ulit susubaybayan! Napakagaling mo Glaiza!” sey ni @angelicabaladad.

Sey naman ni @marivic0311, “Galing galing mo kanina as in sana makaganti ka na sa mga imperial. @glaizaredux @gabbieeigenmann.”

Ito naman ang reaksyon ni @diresdemoura, “Glaiza you were beautiful with this look I love to see you with so many emotions and so strong in each scene is a talent show congratulations. A beautiful hug (from Brazil)!”

Patuloy na subaybayan ang Contessa sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga. Kasama pa rin dito sina Gabby Eigenmann at Geoff Eigenmann, Lauren Young at marami pang iba.

Read more...