Dela Rosa ipinasa na ang posisyon ng PNP chief kay Albayalde

MATAPOS ang 36 na taong serbisyo, pormal nang nagretiro si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa at ipinasa ang posisyon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director General Oscar Albayalde.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang turnover ceremony sa PNP grandstand in Camp Crame, Quezon City.

Magkaklase sina dela Rosa at Albayalde sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986.

Binigyan naman ni Duterte ng dalawang parangal si dela Rosa, kasama na ang Medalya ng Katapatan sa Panglilingkod at Philippine Legion of Honor.

Nakatakdang ilipat si dela Rosa sa Bureau of Corrections (BuCor) bilang director.

Read more...