Carla minamalas sa negosyo, magdedemanda?

CARLA ABELLANA AT TOM RODRIGUEZ

MAY mga taong nanloko sa Kapuso actress na si Carla Abellana – ito’y may kinalaman daw sa pera.

Nag-post ang dalaga sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang disappointment sa mga taong diumano’y sunud-sunod ang ginagawang panglalamang sa kanya.

“A lot of people have been disappointing me a lot lately. Bakit kaya sunod-sunod? And why have they been letting me down like this?” ang hugot ni Carla sa kanyang IG post.

Sa nakaraang presscon ng bagong primetime series ng GMA 7 na The Cure, natanong ang lead star nitong si Tom Rodriguez kung ano ang pinagdaraanan ng kanyang girlfriend.

Sagot ni Tom sa panayam ng entertainment press, “Siguro nami-misinterpret lang ng iba. Natsa-challenge lang siya ngayon. Nadi-disappoint, siyempre, business. Pera niya yung nilalabas niya, pinag-ipunan niya.”

“I don’t know if she wants me to say, pero it’s different businesses. Hindi one thing lang. It’s just a lot of things, pero alam ko, kayang-kaya niya at capable siya,” pahayag pa ng Kapuso actor.

“Siguro, siya na lang ang kausapin niyo. Basta ang alam ko lang, hindi ako ‘yun!” natawang chika pa ni Tom.

May plano bang magdemanda si Carla? “That’s not for me to say. My advice is, I’m just here for her, and whatever she’s doing, she’s on the right track naman. Napakasipag. And she’s really diversifying.

“Sobrang sipag, sobrang tutok, and especially now na mag-start na siya ng isang soap. At yun ang takot niya, bago mag-start yung isang show, parang lahat sana plantsado na,” sey pa ng leading man ni Jennylyn Mercado sa The Cure.

Read more...