SA nakaraang presscon ng bagong primetime series ng GMA 7 na The Cure, natanong ang lead star nitong si Tom Rodriguez kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni Carla Abellana, “On the right track. I mean, kung tao ang pag-uusapan, ito ang sasabihin ko na, well, ayaw naming magpa-pressure sa kailan. Pero yung tao, sakto na. I’m with the right person, hindi na magbabago yun.”
Diretso ring sinabi ni Tom na naghahanda na rin sila ni Carla para sa future, kabilang na ang pagpapakasal, “Of course. Lahat ng ginagawa namin, du’n din (pupunta).”
Speaking of wedding, nagbibiruan nga raw sila ng partner niya sa The Cure na si Jennylyn kung sino ang mauuna sa kanilang magpakasal. Kaibigan at dating “ka-loveteam” ni Tom ang boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo. Nagkasama sila sa dating primetime series ng GMA na My Husband’s Lover (2013).
“Sabi ko nga, ‘Sino kaya mauuna sa ating dalawa?’ Hindi naman siya race. Everyone has their own journey. Tingnan natin. But you know, ang cute and inspiring din ang love story nila. I’m very happy for them as well,” chika pa ni Tom.
***
Samantala, magsisimula na sa April 30 sa GMA Telebabad ang inaabangang action-suspense-thriller series na The Cure nina Tom at Jen. Makakasama rin nila rito sina Jaclyn Jose, LJ Reyes, Jay Manalo at Ken Chan.
Tatalakayin dito ang mapaminsalang side effect ng isang experimental drug na makapagpapagaling sana sa iba’t ibang uri ng cancer. Ito rin ang magiging simula ng pagkalat ng virus na tatawaging Monkey Virus Disease o MVD.
Ang sinumang magkaroon nito ay magiging singlakas ng isang gorilya at mabubuhay na parang “zombie”.
Ayon sa direktor ng serye na si Mark Reyes, “It’s very exciting, a story of survival—survival of humans, survival of family, survival of two people in love, it’s a bigger picture. It’s fresh, it’s new, and the whole essence of a suspense-drama is here. I knew from the start it was going to be big.”
Nang matanong kung ano ang kaibahan nito sa American zombie series na The Walking Dead, paliwanag ni direk Mark, “Well, there will always be a comparison. If you say Romeo And Juliet, it’s a love story. Ours is an epidemic drama, it’s a zombie movie. The rest, of course, is for classification.
“We’re here for entertainment, that will never disappear like Encantadia and Game of Thrones or Lord of the Rings, it will never disappear.”
“Siguro, the only comparison there is parang may zombie sa Walking Dead and Train To Busan, kami may infected. Pero yung story, ibang-iba at saka once you start it, talagang you’ll really get engrossed with that,” aniya pa.
Makakasama rin dito sina Ronnie Henares, Glenda Garcia, Diva Montelaba, Arra San Agustin at ang Kapuso child star na si Leanne Bautista.