Yves Flores gumawa ng paraan para hindi masilipan si Maris Racal

 

HINDI nakaligtas sa aming paningin ang pagiging gentleman ni Yves Flores during the finale presscon of Hanggang Saan na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Super ikli kasi ng yellow dress ni Maris Racal nang dumalo siya sa presscon. Mukhang na-bother si Yves na masilipan ang dalaga kaya naman panay ang kaway niya sa isang guy, asking for something.

It turned out na he’s asking for a table napkin para may maipantakip sa harap ni Maris. Surprised na surprised si Maris sa gentlemanly gesture ni Yves.

When asked kung ano ang fulfilment ang naibigay sa kanya ng kanyang role sa Hanggan Saan, Yves said, “Siguro ito yung character ko na nagawa ko nang tama. Dito ko na-feel na actor ako sa show na ito. Hindi dahil magagaling ang mga kasama ko kundi parang dito ko nailabas ‘yung acting na gusto kong ilabas. Parang dito talaga ko umarte nang totoo talaga.

Sa huling dalawang linggo ng Hanggang Saan ay ito na ang pagkakataon nina Paco (Arjo Atayde), Domeng (Yves) at Anna (Sue Ramirez) na ipakita ang wagas nilang pagmamahal para sa kanilang mga inang sina Sonya (Sylvia Sanchez) at Jean (Teresa Loyzaga) ngayong ang ina naman nila ang malalagay sa bingit ng peligro.

Gagawin lahat ni Jacob (Ariel Rivera) para makapaghiganti –ipasusunog niya ang bahay ni Sonya at pasasabugin ang gusaling kinaroroonan ni Paco. Marami pang dapat abangan sa nalalapit ng ending ng Hanggang Saan.

Read more...