Donita Nose takot ibandera ang tunay na dahilan kung bakit natsugi sa ‘Wowowin’


DIRECT quotes. Our thoughts.

Batay ito sa recent interview kay Donita Nose para i-promote ang kinabilangan niyang all-Kapuso actor show kamakailan tungkol sa pagkawala niya sa Wowowin.

Sa mga suki ng naturang programa, for sure, ang “exodus” ng mga co-host ni Willie Revillame is one that arouses their curiosity. Minsan na naming tinalakay ang egresss ng mga ito nang halos sabay-sabay if not simultaneously.

Ani Donita, “Kapag once nag-decide siya (Willie), wala na kaming tanong. Kasi show niya ‘yon. Alam niya kung ano ang ikagaganda ng show niya.” Bahagi lang ito ng panayam kay Donita who was told that the program would have to undergo reformat.

Undeniably so, pag-aari ni Willie ang show. Ergo, he and he alone calls the shots.

Pero kung meron mang pagkukulang si Donita on his part, ‘yun ay ang tanungin (in a nice way) si Willie why he was served the walking papers. Hindi naman yata katanggap-tanggap that just because it’s Willie’s show ay basta na lang tatahimik ang isang nasibak na tauhan.

Sa mangilan-ngilang pagsilip namin sa show back then, malaking bentahe—let’s face it—ang literal na ganda ng face meron si Donita. Maganda na’y mahusay pang mag-host si Donita.

He could relate to his audience. His extemporaneous jokes packed a wallop. Sa madaling salita, he delivered the goods.

Effective sana ang tandem nila ni Super Tekla, but the latter’s case is different. ‘Yun ang maliwanag na katsugi-tsugi based on reports tungkol sa kanyang tardiness, relationship with his co-workers, etc. Minus Super Tekla, Donita could stand without a gay partner.

q q q

Reformat ba ‘ika n’yo? Sa halos araw-araw rin naming pagsilip sa Wowowin, there appears nothing new at all, maliban sa sanrekwang mga contestant in its segment which causes the show to eat up a few minutes ng kasunod nitong programa, ang 24 Oras.

If the premise is that inilalampaso ng Wowowin ang katapat nitong show given the unchanged format ay bakit kailangan pa itong magbagong-bihis?

All it needs to do is to further strengthen the segments, hindi ang mag-reformat which apparently does not exist.

To top it all, si Willie ba ‘yung tipo ng may-ari ng show who considers being confronted with questions by his staff a BIG NO-NO?

Karapatan ng staff na malaman kung meron man silang pagkukulang, if they’re remiss sa kanilang trabaho.

Sorry, but we don’t buy Donita’s line of reasoning na porke si Willie ang may-ari ng programa is fundamental reason enough na bawal na siyang tanungin dahil he decides best.

On the other hand, naiintindihan namin si Donita for withholding the truth. Nariyan na naman kasi ang inaasahan nang pintas sa kanya tungkol sa kawalan ng utang na loob toward the person responsible for his fame and glory.

Pero tiyak namin, in the innermost zone ng pagkatao ni Donita ay naroon ang nagsusumigaw na matinding sama ng loob kay Willie, na kung sa kawanggawa sa tao’y wala sigurong maipipintas.

But when it comes to his co-workers’ WELFARE ay isang malinaw na salita lang ang gusto niyang ipabaon, and the hell he cares.

FAREWELL.

Read more...