P60M na hindi inilabas na pondo ng SAF pinaiimbestigahan ni Lacson

PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Panfilo Lacson sa Senado ang ulat na hindi inilabas ang P59.8 milyong pondo para sa daily allowance ng mga miyembro ng  Special Action Force (SAF).
Nauna nang nagsampa ng kasong plunder at malversation laban sa mga dating opisyal ng  SAF.
Samantala, inatasan ni outgoing police chief Director General Ronald dela Rosa, na sibakin si  Director Benjamin Lusad, dating head SAF Directorate for Integrated Police Operations.
Noong Martes, inihain ni Lacson ng Senate Resolution No. 712, na nagdidirekta sa Senate committee on public order and illegal drugs, na kanyang pinamumunuan na imbestigahan ang kontrobersiya.
Idinagdag ni Lacson na nilapitan siya ng mga miyembro ng SAF para magsumbong kaugnay ng isyu.
“We cannot allow, yet again, another injustice to be committed against our heroes in uniform,” sabi ni Lacson.

Read more...