Grab PH inaming hindi ipinaalam sa mga pasahero ang P2 kada minutong dagdag singil

INAMIN ng Grab Philippines na hindi ipinaalam sa mga pasahero nang ipatupad nila ang P2 kada minutong dagdag singil noong Hulyo 2017.
Sa isang press briefing, sinabi ni  Grab Country head Brian Cu na walang ipinalabas na abiso kaugnay ng karagdagang singil.
“There was no communication to the riders inside the app. In the information card, we’ve updated that, but when we raised the P2 per minute, we did not include that. So ‘di namin nailagay,” sabi ni Cu.
Idinagdag ni  Cu na hindi kagaya ng ordinaryong pagsakay sa taxi,  ang presyo ng Grab ay “not a pre-agreed per minute or per kilometer fare.”
Sinabi ni Cu na ang mahalaga ay ipinaalam sa mga pasahero ang kabuuang singil gamit ang aplikasyon.
“There’s nothing illegal with failing to update the information,” ayon pa kay Cu.
Nauna nang inamin ng Grab na sariling desisyon nila ang ipinatupad na karagdagang singil, na pinapayagan ng  Land Transportation and Regulatory Board’s (LTFRB) Department Order 2015-011.
Noong isang linggo, hiniling ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) part-list Rep. Jericho Nograles sa Grab na i-refund ang P1.8 bilyong sobrang isiningil sa mga pasahero.

Read more...