Ayon sa survey ng Social Weather Station noong Marso, bumaba ang net satisfaction rating ni Robredo sa 34 porsyento (57 porsyentong satisfied, 19 porsyentong undecided at 23 porsyentong dissatisfied).
Mas mababa ito sa 42 porsyento na nakuha ni Robredo sa survey noong Disyembre 2017.
Bumaba naman ng walong porsyento ang net satisfaction rating ni Pimentel na mula 48 porsyento ay naging 41 porsyento (57 porsyentong satisfied, 25 porsyentong undecided at 16 porsyentong dissatisfied).
Batay sa score card ng SWS, ang rating ng dalawa ay ‘good’.
Mula sa 14 porsyento, bumagsak naman sa 1 porsyento (31 porsyentong satisfied, 34 porsyentong undecided at 29 porsyentong dissatisfied) ang net rating ni Alvarez. Ito ang pinakamababa niyang rating mula ng manungkulan bilang lider ng Kamara de Representantes.
Bumaba naman sa -7 porsyento (29 porsyentong satisfied, 29 porsyentong undecided at 37 porsyentong undecided) ang rating ni Sereno mula sa 6 porsyento. Ito na ang pinakamababang rating na nakuha ni Sereno.
Nauna ng inilabas ng SWS ang rating ni Pangulong Duterte. Naitala ito sa 56 porsyento, mas mababa sa 58 porsyento na naitala nito sa mas naunang survey.
Ginawa ang survey mula Marso 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.
MOST READ
LATEST STORIES