Patalbugan: Bakbakang Barbie-Bea bubuhayin uli ng GMA


NAGPATALI muli sa GMA Network si Barbie Forteza. Nag-renew siya ng exclusive contract kahapon.

Homegrown talent ng Kapuso Network ang girlfriend ni Jak Roberto. Mabenta rin siya sa primetime shows kaya naman siya ang binansagang Primetime Princess ng GMA.

Muling magpapa-kikay si Barbie sa series mula sa GMA News & Public Affairs na Inday Will Always Love You. Kapareha naman niya sa small screen si Derrick Monasterio after nilang magsama sa movie.

Samantala, ang sinasabing karibal niya sa network na si Bea Binene ay magkakaroon na rin ng afternoon drama na Karibal Ko Ang Aking Ina.

Ibang level na raw ang role niya sa bagong series dahil haharapin niya ang challenge ng mga taong nakapaligid sa kanyang pasukin na ang mature roles, huh!

Read more...