Jasmine Curtis Kapuso na


CERTIFIED Kapuso star na ang sister ni Snne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith.

Pumirma na ang dalaga ng kontrata sa GMA Network kahapon. Nag-expire ang kontrata ni Jasmine sa TV5 noon pang December, 2016 at mula nga noon ay wala na siyang ginawang proyekto para sa Kapatid Network.

Present sa contract signing ng dalaga sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, Senior Vice-President for GMA Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable, Senior Assistant Vice-President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, at ang manager ni Jasmine na si Betchay Vidanes.

Huling napanood sa big screen noong 2017, sa MMFF entry na “Siargao” with Erich Gonzales and Jericho Rosales. Nakasama rin siya sa launching movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na “Imagine You & Me” noong 2016.

Wala pang sinabi ang mga bossing ng GMA kung anu-ano ang mga nakalinyang proyekto para sa dalaga, pero siniguro nila na very soon ay mapapanood na ang aktres sa mga bago nilang programa.

Read more...