Transport leader high-end ang lifestyle | Bandera

Transport leader high-end ang lifestyle

Den Macaranas - April 18, 2018 - 12:10 AM

ITO po ang part two ng ating kwento tungkol sa kurap na lider ng isang transport organization.

Sinabi ng aking cricket na kaya naman pala gahaman sa lagay ang transport lider na bida sa ating blind item ngayong araw ay para masustain niya ang maluhong pamumuhay.

Bukod sa kanyang pamilya ay mayroon din palang ibinabahay ang ating bida na isang chiching sa isang bayan sa lalawigan ng Rizal.

Maganda ang bahay ng sinasabing other woman ni Sir na sinasabi namang katas daw ng kanyang mga tongpats mula sa iba’t ibang automaker sa bansa.

Markado rin ang isang mamahaling SUV na ginagamit ni Sir na malayong-malayo sa sinisimbulo ng jeepney na kanyang pinagkakakitaan.

Wala namang masama kung galing ito sa kita ng kanyang mga pampasaherong jeepney pero iba kasi ang mga impormasyon na ipinararating sa atin ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Maswerte lang si transport leader dahil hindi pa nabibisto ang pambubukol na ginagawa niya sa ilan sa mga opisyal ng kanilang organisas-yon.

Pero oras na mabisto ang kanyang mga kalokohan ay tiyak na sa kangkungan pupulutin ang ating bida.

Kamakailan ay isang foreign company naman ang kanyang kausap dahil bistado na ang raket nya sa ilang local auto assembler sa bansa.

Sinabi ng aking cricket na tila nabola nya ang isang Chinses firm dahil ipinagmamalaki nito na malapit na nilang maselyuhan ang isang multi-million pesos na kontrata.

At dito talaga masusubok ang pagiging gahaman ni Sir dahil hindi pa man nagsisimula ang kanilang partnership ay humihingi na umano ang ating bida ng advance goodwill bonus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang transport leader na hindi dapat pagkatiwalaan dahil sa kanyang pagiging gahaman sa pera ay si Mr. M….as in Mauritius.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending