Bitoy personal na binigyan ng regalo ang mga ‘Avengers’


INGGIT na inggit kay Michael V ang kanyang mga social media followers!

E, kasi nga, hindi lang niya nakita up close and personal ang mga bida sa pelikulang “Avengers: Infinity War” mula sa Marvel, na-interview pa niya ito. Isang certified “Avenger” fan si Bitoy kaya dream come true sa kanya ang maimbitahan sa premiere ng nasabing Hollywood movie sa Singapore.

Bukod sa personal na pakikipagchikahan sa mga bida ng pelikula, naibigay pa ng Kapuso comedian mga ginawa niyang sketch ng mga superhero characters na kasama sa “Avengers”.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Bitoy ang ilang video clips at litrato na kuha sa nasabing event. Personal niyang naibigay kay Karen Gillan ang sketch ni Nebula, na siyang ginagampanan ng aktres sa pelikula. Naiabot din niya kay Benedict Cumberbatch ang sketch ni Dr. Strange.

At siyempre, tuwang-tuwa din si Michael V nang personal niyang maibigay kay Robert Downey Jr. ang sketch ng karakter nitong si Iron Man.

Bago maganap ang event, nag-post pa si Bitoy ng isang video habang dino-drawing ang mukha ni Robert Downey, Jr. na may caption na: “This is the last #15MinuteSketch that I did for the #AvengersPH Press Junket.

“There’s a red carpet event this afternoon and I’m REALLY hoping against hope to give this to @robertdowneyjr himself. If all goes well, this will be one of the highlights of #BitoyStory 008, #TeamPH and my wife’s life. Wish me luck!”

Ayon kay Bitoy, mapapanood daw ang behind the scenes at mismong interview niya sa mga nasabing Hollywood stars kanyang sa “BitoyStory” vlog sa YouTube.

Read more...