Bakit nagwala si Maine sa sobrang kaligayahan?


LITERAL na nagwala sa kaligayahan at paglulundag si Maine Mendoza nang manood ng concert ng foreign group na The Script last week. Kitang-kita ito sa video na ipinost niya sa kanyang Twitter lalo na nu’ng mag-flying kiss siya na sinalo naman ng lead singer ng grupo.

Sa huling tweet ni Meng, aniya, “I swear I had the most amaaaaaazing time, I am not even exaggerating do you feel ne oh my God. I love you guys. Thank you @thescript #FreedomChildTour.”

Kahit sikat at siya mismo ay pinagkakaguluhan ng publiko, hindi pa rin nawawala ang pagiging fan girl ng Phenomenal Star at nakakalimutan ang pagiging artista kapag nakikita ang mga celebrities na iniidolo, huh!

Read more...