Plano ni Tugade na kasuhan ang mga pasahero dahil sa aberya ng MRT binatikos

BINATIKOS ng commuter at militanteng grupo ang plano ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kasuhan ang mga pasahero na magpupumilit na makapasok sa papasarang pintuan ng tren ng Metro Rail Transit 3 (MRT3).

“Commuters have become desperate over time because of the failure of government to provide adequate, efficient and affordable mass transport. It is that desperation and frustration which makes commuters force their way onto trains,” sab ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes.

Nauna nang inatasan ni Tugade ang pamunuan ng MRT3 na sampahan ng kaso at patawan ng danyos ang mga pasahero na sasandal sa pintuan ng tren ng MRT.

“It’s not about parts, it’s about this passenger. My instruction [is to] identify this person. Many are being inconvenienced because of the lack of discipline,” sabi ni Reyes.

Pinababa ang isang libong pasahero matapos hindi sumara ang pintuan ang MRT sa Santolan-Annapolis station.

“Why blame passengers in the first place? No commuter will deliberately sabotage the train he himself will be riding. It goes against the commuter’s interest to disrupt his own means of transportation. We should be looking at the bigger picture on why it has come to this, not castigating commuters who are the real victims here,” dagdag ni Reyes.

Sinabi ni National Center for Commuters Safety and Protection (NCCSP) na hindi masisisi ang mga pasahero na mag-unahang makapasok sa tren dahil sa limitadong bilang ng mga ito.

Read more...