Magnitude 5.4 lindol sa Cagayan

    Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.4 ang Cagayan kaninang umaga.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito bagamat walang inaasahang pinsala.
      Naramdaman ang lindol alas-3:43 ng umaga. Ang sentro nito ay 39 kilometro sa silangan ng Gonzaga at may lalim na 23 kilometro.
      Nagdulot ito ng Intensity I sa Santiago City, Isabela at Laoag City sa Ilocos Norte.

Read more...