Para hindi ma-bored ngayong summer…

NITONG nakaraang linggo ay idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na panahon na ng tag-init. At dahil tag-init na at halos maraming mga kabataan ang nakabkasyon na mula sa eskwela, marami na naman tambay sa harap ng kani-kanilang mga gadget.

Pero ano bang dapat na gawin ngayong summer bukod sa paglalaro ng gadget, panonood ng telebisyon, at para hindi ka ma-bored?

Narito ang listahan ng mga pwede ninyong pagkaabalahan na hindi lang enjoybale kung may benepisyo rin sa kalusugan.

Swimming

Marami ngayon ang nag-aalok ng swimming lesson.

At dahil marami sila, hindi gaano kamahal ang kanilang sinisingil para makaengayo ng sasali.

Sa loob ng isang linggo— isa o dalawang oras na pag-aaral kada araw— ay matututo ka ng lumangoy. Ayaw mo non, everyday kang may outing.

Taekwondo

Kung ayaw mo naman sa tubig, pwede ring magpaturo ng self defense gaya ng taekwondo.

Tiyak na pagpapawisan ka nang husto at matagtag ang mga nakatagong fats sa iyong katawan. Bukod dito, alam mo ba ang taekwondo ay magbibigay sa iyo ng focus.

Ang training ay kalimitang ginagawa sa loob ng gym kaya hindi ka mabibilad sa araw kung natatakot kang matusta.

Hiking

Kung ang type mo naman mag nature tripping, medyo mainit nga lang— pwede kang mag-hiking.

Kung hindi sanay, magsimula muna sa mga mabababang bundok. Huwag agad sumabak sa matataas para hindi mabigla ang katawan. Baka sa halip na mag-enjoy ay hindi ka na makabangon kinabukasan dahil sa sakit ng iyong katawan.

Pwede rin namang mag-cave hoping, magpalipat-lipat sa mga magagandang kuweba.

Bakasyon

Para maiba naman pwedeng magbakasyon kina lolo at lola o sa iba pang kamag-anak sa probinsya.

Paraan din ito para mailayo ka sa usok ng Metro Manila at makalanghap ng sariwang hangin sa lalawigan.
Bukod sa polusyon, makakaiwas ka rin sa trapik ng Kamaynilaan.

Pwede ka ring tumulong sa mga gawaing bukid para matutunan mo naman kung papaano ang magtanim o mag-gapas ng palay. Umiwas din muna sa Internet.

Laba at Luto

Dahil marami kang spare time pwede kang tumulong sa mga gawaing bahay. Mag-aral magluto at maglaba para naman matuwa sa iyo si nanay at si tatay.

Ang mga matututunan mong ito ay magagamit mo rin hanggang sa iyong pagtanda. Kung marunong kang magluto, pwede rin namang mag-aral ng bake ng cake o magluto ng mga putahe.

Aba! At pwede rin yang pagkaparehan in the future.

Read more...