- ANG malaria ay isang parasite-caused disease na nakukuha kalimitan sa kagat ng babaeng Anopheles mosquito.Sumisipsip ng dugo ang lamok kasabay ng paglilipat nito ng malaria organism sa tao. Ang organismo na ito ay nakukuha ng liver cell at mabilis na dumarami.
- Bukod sa kagat ng lamok maaaring magkaroon ng malaria sa pamamagitan ng blood transfusion o pagsasalin ng dugo ng isang may malaria patungo sa di apektado nito gamit ang karayom, at transplacenta o nanay na mayroong malaria papunta sa sanggol sa sinapupunan nito.
- Ang mga sintomas ng malaria ay katulad ng nararamdaman ng isang tao na may trangkaso —pananakit ng ulo, lagnat, pagkahilo. Kadalasan, nararamdaman ito ng ilang linggo matapos makagat ng lamok na carrier ng Ang sintomas ay maaaring maramdaman isa o ilang linggo matapos makagat ng lamok.
- Posibleng magkaroon ng komplikasyon sa atay, o kaya ay impeksyon sa utak, anemia at respiratory problem kung hindi maagapan ang malaria.
- Nagagamot ito basta pag naagapan. Kung duda na nakagat ng lamok na meron nito ay magtungo sa ospital.
- Pinakamabisa pa ring pangontra ang pagtiyak na hindi makakagat ng lamok gaya ng kulambo at insect repellant at pananatilihing malinis ng kapaligiran para walang mapamugaran ang mga ito.
- May mga malaria pills na maaaring inumin bago pumunta sa mga lugar na may mataas na kaso ng malaria.
- May pag-aaral na nagsasabi na ang malaria ay matagal ng sakit. May mga malaria traces na nakita sa kalansay ng mga Egyptian mummies.
- Nagiging drug-resistant ang malaria dahil sa mga tao na hindi tinatapos ang gamutan. Mayroong mga nililikhang gamot para sa mga bagong strain ng malaria subalit ito ay mahal.
ALAM MO BA?
DAHIL sa panganib na dala ng sakit ng malaria, nagpasa ng batas ang Kongreso para magkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino tungkol sa sakit na ito.
Actually, panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay may batas na para labanan ang sakit na ito na kumakalat dahil sa kagat ng lamok.
Noong 2016 ay umabot sa 6,922 kaso ng Malaria ang naitala ng Department of Health, mas mababa sa 8,050 kaso noong 2015.
MOST READ
LATEST STORIES