HINDI na matapos-tapos ang usapin sa likod nang pagsasanib ng Grab at Uber sa Pilipinas. At mukhang ang mga commuter na naman ang magdurusa sa pangyayaring ito.
Nitong mga nakalipas na araw ay naglabas ng show-cause order ang LTFRB matapos magreklamo si Rep. Karlo Nograles na mukhang merong P2 singil sa bawat minute nang pagsakay sa Grab car.
Ayon kay Nograles, nagtataka siya na meron biglang ganitong singil ang Grab matapos na mabili ng mobile ride-sharing app ang prangkisa ng Uber. Sa gulat ng LTFRB, nag-utos si Atty. Aileen Lizada sa Grab na sagutin ang show-cause order o isasara sila.
Maging si Senator Grace Poe ay nababahala na rin sa pagsasanib ng dalawang pinakamalala-king mobile app ng pag-commute dahil madaming umano nagrereklamo na ilang buwan bago ihayag ang pagbili ng Grab sa Uber ay tumaas na ang singil ng Grab ng halos P100.
Nagsalita naman ang Philippine Competition Commission (PCC) na hindi puwede magsara ng operasyon ang Uber hanggang hindi nila ito pinapayagan dahil kailangan pa nila pag-aralan ang o-perasyon nito kontra sa Grab upang makita kung madedehado ang Pinoy commuters.
Samantala, muli na namang dumami ang reklamo kontra sa taxi na umayos na ang serbisyo nitong nakaraang mga buwan subalit bumabalik sa dating pangit na serbisyo dahil sa akala nilang mawawala na ang Grab at Uber.
Sa bandang huli, ang muling nakakalimutan at nasasakripisyo sa usaping ito ay ang mga mananakay na siyang pinagkukunan ng pera at kita ng mga kumpanya at ahensiya na sangkot sa kwentuhang ito.
Dahil siguradong tatakbo ang opisina ng LTFRB at PCC kahit wala na ang Uber. Sigurado ring kumita na ang Uber at Grab at ilang beses na bumalik ang puhunan nila, kaya nga’t kahit magsara sila ay walang nawala sa kanila bagkus ay kumita pa sila.
Wala ring pakialam ang mga taxi drivers at iba pang public utility drivers dahil wala nang panakot na ipapalit sa kanila ang mga commuters. No choice, ika nga, na naman ang mga abang mananakay ng pampublikong sasakyan.
Talagang sa usapin ng pamahalaan at ng mga mayayamang negosyante ay laging hindi kasali ang mga consumer ng kanilang produkto sa pagdesisyon kung papaano patatakbuhin ang kanilang serbisyo.
Laging huli ang kapakanan ng masang Pilipino.
Kung sana sa simula pa lamang ay inisip na ng LTFRB kung ano ang gagawin nila sakaling magsara ang mga ride hailing applications na ito.
Hindi naman nagkulang kaming mga motoring media sa pagbibigay impormasyon tungkol sa gawain ng Uber at ang mga balakin nito. Noong Enero ay ibinalita ko na sa website kong Autocar.com.ph na ibinebenta na ng Uber sa Grab ang regional operations nila.
Kung noon pa lamang ay pinag-aralan at pinag-planuhan na nila ang balitang ito, sana ay hindi u-mabot sa ganitong sitwas-yon ang mananakay ng Uber at Grab sa bansa.
Para sa tanong at su-hestiyon, sumulat po lamang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.