Horoscope, April 16, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Magandang kapalaran ang babati sa iyo sa araw na ito. Maraming biyaya ang darating hulog ng langit. Sa pag-ibig, muling makakaniig ang kasuyong matagal ng nawalay. Sa materyal na bagay, makapal na halaga ng salapi ang mahahawakan mula sa isang political gathering. Mapalad ang 7, 10, 19, 24, 37, at 40. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Red at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Wag asahan ang sariling kakayahan! May babala na ang sobrang tiwala sa sarili ang magpapahamak sa ‘yo. Sa maseselang pagdedesisyon kunsultahin ang mga taong malalapit sa puso mo. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Leo o kaya’y sa isang Sagittarius upang ang suwerte ay tuloy-tuloy ng dumating. Mapalad ang 3, 15, 18, 24, 33 at 45. “Aum-Savitre-Akaye-Om.” Green at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Isa-isa ng matatapos ang mga nakabinbing gawain. Bago lumubog ang araw sopresa at hindi inaasahan ang pagdating ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, kakaibang init ang ipamamalas ng kasuyo, pagbigyan mo siya, upang hindi magtampo. Mapalad ang 1, 6, 18, 27, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kasusuweldo mo lang, ano ang gagawin mo sa pera? Mali ang sagot na “Gagastusin at ipampapasarap!” Umpisahan mo na ngayong mag-ipon. Kapag may pera o may savings ka ito ang lalo pang magpapalago ng inyong kabuhayan. Tandaang kusang dumadami ang salapi kapag ito ay iniipon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi ka dapat matakot na kumilos at magpasya. Sa pamamagitan ng lakas ng loob bubukas ang pinto ng awa ng langit, kapag kumilos ka ng kumilos ng walang alinlangan, ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad ang 5, 15, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Mahata-Om.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Panahon na upang ituon ang isipan sa iisang bagay lamang. Konsentrasyon sa iisang negosyo at iisang kalakal ang dapat. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 18, 22, 28, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Kirata-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Aabalahin ka na naman ng mga walang kabuluhang gawain! Itigil na ang madalas na pagpe-Facebook. Sa pinansyal at pag-ibig, kailangan mo ng magkaroon ng “financial maturity” upang mas madali ka umunlad at yumaman. Mapalad ang 5, 14, 24, 34, 49 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum-Obre-Om.” Red at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— I-blow-out ang sarili upang hindi ka naman ma-boring. Ngayong tag-init hanapin ang isang Virgo, yayain siyang kumain ng ice cream sa isang silid na malamig. Sa pinansyal, aanhin mo nga ba ang napakaraming pera kung hindi ka naman masaya? Mapalad ang 7, 10, 14, 23, 32, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gusto ko happy ka!” Pink at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag maging emosyonal. Higit kang kikita ng malaking halaga, kung gagamitin ang likas na talino. Sa pag-ibig, hindi tama na puro puso at damdamin ang paiiralin, panahon na upang magka-roon ka ng prinsipyo sa buhay. Sa darating na halalan hindi mo dapat na ibenta ang iyong boto. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Regama-Om.” Maroon at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May darating na salapi, ngunit kung hindi ka magtitipid, mauubos din ito ng mabilis. Sa pag-ibig, kung hindi ka na maligaya, bakit ka pa ba nagtitiis? Iwanan ang kasuyong nananakit ng damdamin. Mapalad ang 6, 12, 19, 28, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “El-Adonai-El-Elohim-El-shaddai.” Purple at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Matutuwa ka, sa susunod na mga araw kusa mo nang makakamit ang iyong mga pinapangarap. Sa pag-ibig may ituturong bagong istilo ng romansa ang kasuyo, pagbigyan mo na siya habag naglulublob kayo sa tubigan. Mapalad ang 3, 19, 28, 40, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Namahah-Om.” Greena t yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan! Uutangan ka na naman nila ng wala ng bayaran. Hindi dapat magpa-utang, lalo na sa mga taong balasubas at manunuba. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pagkatiwalaan – ang kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 8, 24, 34, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Dosya-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pag-ibig, pasalamatan ang pagdating ng kasuyong Virgo. Sa pinansyal, dagdagan pang lalo ang pagtitipid upang magkaroon ka ng mas marami pang savings. Tandaang anumang halaga na naitabi ito ay katumbas din ng security at peace of mind. Mapalad ang 2, 7, 19, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Green at silver ang buenas.

Read more...