Sofia Romualdez ginamit ang musika para labanan ang trauma sa Yolanda

 

MAGANDA ang boses, magaling mag-compose ng kanta at napakaganda ng anak nina Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez at dating Mayor Alfred Romualdez na si Sofia.

Napanood naming mag-perform ang dalaga sa ginanap na launching ng kanyang bagong single kamakailan na sinuportahan ng kanyang magulang at mga kaibigan.

May sariling sound at style si Sofia though jazz ang foundation ng kanyang mga kanta. At her very young age, kapuri-puri ang galing nitong mag-communicate through her song. Kaya naman super proud ang kanyang parents na all out ang support sa kanyang career.

Kapag nasa stage siya ay talagang hataw kung hataw ang kanyang performance pero kapag kinakausap mo na siya ay ramdam mo ang kanyang pagkamahiyain.

Nakakabilib ang kuwento ng kanyang amang si Mayor Alfred tungkol sa anak. Noon palang hinahagupit ng bagyong Yolanda ang Tacloban, Leyte ay almost two hours na nakakapit sa poste itong si Sofia habang tinatangay ng malakas na agos ng tubig baha.

After that incident nga raw nagsimulang magsulat ng kanta si Sofia, nailalabas daw ng dalaga ang kanyang mga nararamdaman through her music. Ito ang nagsilbing therapy niya para ma-overcome ang trauma naranasan niya dahil sa bagyong Yolanda.

Read more...